PatrolPH

Magkasintahan sabay nakapagtapos ng high school para maitaguyod ang anak

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 01:19 AM

Magkasintahan sabay nakapagtapos ng high school para maitaguyod ang anak 1

Sa edad na 20, nararanasan na ng magkasintahang Miguel Destua at Jessica Tahum ng bayan ng Oton, Iloilo, ang hirap ng pagiging magulang.

Sa night class sa senior high school nang makilala ni Destua si Tahum ang magiging ina ng kaniyang anak na .

“Dati basagulero ako, palaging may kaaway, barkada, inom, pero noong naging girlfriend ko na siya, hindi na ako sumama sa barkada. Sabi ko sa sarili ko, priority ko ang pag-aaral muna lalo na alam kong buntis na siya noon. Sabi ko sa tropa, sibak na muna,” ani Destua.

Malaking hamon ang pagsabay ng pag-aaral at pag-aalaga ng kanilang anak ayon kay Tahum.

“Nagpapalitan lang kami kung may sakit baby namin. Siya lang muna papasok tapos sasabihan niya guro namin, hindi rin ako makapag-aral kasi binabantayan ko pa anak ko, tapos may mga kapatid pa ako na nag-aaral,” ani Tahum.

May mga panahong nagkakasakit ang kanilang anak kaya kinailangan nilang lumiban sa klase pero hindi naging hadlang ang mga pagsubok sa pangarap nilang makapagtapos ng pag-aaral.

Nagpapasalamat sina Destua at Tahum na hindi sila tinalikuran ng kanilang mga magulang.

“Sinabihan ko sila, kahit ano man ang mangyari, ipagpatuloy nila ang pag-aaral. Tutulungan namin sila,” ani Elma Corrios, tiyahin ni Jessica.

Mas naging espesyal ang pagtatapos ni Destua ng senior high dahil sabay silang nag-graduate ni Tahum. Sa kanilang graduation photo kasama nila si baby Eliza.

Pangarap ni Destua na maging aircraft mechanic habang guro naman ang kay Tahum.

Nadapa man, ayon sa kanila, taas noo silang babangon muli para harapin ng mas matatag ang anumang pagsubok.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.