PatrolPH

Janice de Belen, may payo sa mga nais pasukin ang food business

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 12:01 PM | Updated as of Jun 17 2020 12:12 PM

MAYNILA -- Isa ang aktres na si Janice de Belen sa mga personalidad sa showbiz na pinasok na rin ang food business. 

Bago pa ang lockdown dala ng COVID-19 ay nagbebenta na si Janice ng pagkain at sumasali sa mga bazaar.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, naging bukas si Janice tungkol sa kanyang negosyo.

"It has to be something na kumportable ka at alam mong gawin. Kasi kung halimbawa magnenegosyo ako ng salon, 'di nga ako marunong mag-make up sa sarili ko, 'di ba? Ni hindi ko nga maayos ang buhok ko na mag-isa ako. Medyo weird kasi wala akong alam tungkol sa kanya. So dapat ang gagawin mo ay 'yung alam mo," ani Janice.

Nang mangyari ang lockdown, ipinagpatuloy ni Janice ang pagbebenta ng pagkain.

"Where I live malaki ang lugar namin sa BF. May mga taong ayaw magluto, so bibili na lang ng food. Noong una walang restaurant na bukas, ni walang nagpapa-take out noong siguro first month. So umo-order sila ng pagkain sa iyo, kasi kayo-kayo lang grupo lang, 'yong mga taga-BF lang. Marami kami, may nagbebenta ng isda, may nagbebenta ng karne," ani Janice.

"Small businesses, you have to help them. Kagaya ko small business din ako. So importante na magtulungan kayo kasi at the moment ito ang umaandar," ani Janice.

At dahil online na ang bentahan, nagbahagi rin si Janice ng ilang tips para sa mga magsisimula ng negosyo lalo na ang pagbebenta ng pagkain.

"Ang ipapayo ko lang ay gawin niyo kung ano ang tingin niyo ay kaya niyo muna. Start small then unti-untiin niyong dagdagan. Tingnan niyo baka ma-improve niyo kasi lahat naman tayo ay kumakain. Lahat tayo kailangang malinis tayo, maingat tayo at huwag tayong magsasayang ng ingredients. Kada butil ng kanin ngayon ay importante. Huwag tayong magsasayang," ani Janice.

Watch more on iWantTFC

"Innovate, para maiba at hindi sila ma-bore kasi kung 'yan lang parati, siyempre darating sa point na mananawa ka rin. So maghahanap ka ng iba," ani Janice.

Aniya, makakatulong rin ang magandang retrato at pangalan sa mga pagkaing ibebenta.

Ayon kay Janice, ang kanyang mga anak ang inspirasyon niya para patuloy na magsipag at mag-negosyo.

"Siyempre ang pagtanda ko rin, kailangan mong paghandaan ang mga bagay na 'yan. Siyempre feeling ko magtatrabaho ako hanggang kaya ng katawan ko, hanggang may kumukuha pa rin sa akin kaya kailangan mo pa ring paghandaan. Siguro ang mga apo ka rin kasi kahit paano tutulungan mo rin ang mga anak mo," ani Janice.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.