'Selfless father' na nagtiis ng gutom, nakararaos sa hirap

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2017 08:33 PM | Updated as of Jun 17 2017 09:48 PM

Masaya at maagang dumating ang pagdiriwang ng Araw ng mga Ama para sa pamilya ni Ryan Arebuabo, ang selfless dad sa retratong nag-viral nitong Marso. 

Naabutan ng ABS-CBN News si Arebuabo na naghahanda ng kaunting mapagsasaluhan ng pamilya niya habang sabay-sabay silang manonood ng pagpapalabas ng 'Maalaala Mo Kaya' ng buhay niya. 

Naghanda ng mapagsasaluhan ang pamilya ni Arebuabo upang ipagdiwang na rin ang araw ng mga ama habang nanonood ng MMK. Photo by Nelson Morales, ABS-CBN News.

Noong Marso, nakunan si Arebuabo ng retrato habang nakatingin lang sa dalawang anak na kumakain sa isang fast food restaurant. Napag-alaman na sa kaunti niyang makakaya ay inilibre ng lalaki ang dalawang anak, at hinayaan ang mga ito na kumain. Hindi na niya nagawang bumili ng pagkain para sa sarili. 

Maraming naantig sa determinasyon ni Arebuabo na palakihin at papag-aralin ang mga anak sa kabila ng kanyang naging sakit. Ilan dito ay nagdulot ng pagkakataon para maibangon niyang muli ang sarili. 

Ilan sa mga nakapansin ng kuwento ni Arebuabo ay ang seryeng 'Maalaala Mo Kaya' ng ABS-CBN na nagsadula nitong Sabado ng kanyang buhay. 

Si Piolo Pascual, na isa ring ama, ang gumanap sa papel ni Arebuabo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.