ALAMIN: Mga sustansiya, pinsala sa kalusugan dulot ng longganisa

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2019 01:48 PM

MAYNILA — Sa agahan man, tanghalian o hapunan, tiyak na mapaparami sa kain kapag longganisa ang inihain.

Gawa ang longganisa sa giniling na karne at taba ng baboy na ibinalot sa bituka ng baboy.

Ayon sa nutritionist at dietitian na si Dr. Mary Grace Macatangay, gawa man sa mga laman ng baboy, may mga sustansiya pa rin namang naibigay ang longganisa.

Mayaman ang longganisa sa protina na nakatutulong sa pagbuo ng muscles, at carbohydrates na nagbibigay ng enerhiya sa katawan, ayon kay Macatangay.

Pero mataas din ang nasabing pagkain sa kolesterol at sodium content o asin na maaaring magdulot ng mga lifestyle disease kalaunan gaya ng diyabetes, altapresyon at kanser, ani Macatangay.

Isa hanggang 2 piraso ng longganisa lang ang inirerekomendang kainin kada linggo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.