Dine-in sa mga restaurant sa Maynila, pinayagan ang limitadong operasyon

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2020 11:45 PM

MANILA - Pinayagan na ng Manila city government ang operasyon ng mga dine-in restaurant sa lungsod sa gitna ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 confirmed cases sa bansa.

Pero mahigpit na paalala ng lokal na pamahalaan, hanggang sa 30 porsiyento lang ng kapasidad ng restaurant ang papayagang kumain sa loob ng restaurant.

Giit ni Manila Mayor Isko Moreno, kailangan sumunod sa ipinatutupad na health protocol ang mga dine-in restaurant.

Nagpaalaala si Bureau of Permits director Levi Facundo na sa oras na makatanggap sila ng reklamo laban sa isang dine-in resto na hindi sumusunod sa pina-iiral na health protocol ay iisyuhan ng show-cause order para pagpaliwanagin, at kapag hindi tumalima, ay maaaring humantong sa pagpapasara nito.

Kabilang sa health protocols ng pamahalaan ay dapat ang mga empleyado ng restaurant ay nakasuot ng akmang personal protective equipment tulad ng face mask at gloves, habang ang mga kubyertos ay disposable dapat.

Sa mahahabang mesa, kailangan din anyang diagonal ang sitting arrangement para masunod pa rin ang physical distancing.

kailangan din anyang jpatupad ang no mask no entry policy at ang regular na pag-sanitized sa pasilidad.

Nanawagan si Facundo sa publiko ng pang-unawa at kooperasyon sa pinatutupad na protocal sa mga dine in resto dulot ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.--Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.