PatrolPH

Mga eskultura mula scrap metal ibinida ng isang seaman mula sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2021 11:06 PM | Updated as of Jun 14 2021 12:36 PM

Mga eskultura mula scrap metal ibinida ng isang seaman mula sa Iloilo 1
Ibinida ng seaman na si Gil Ryan Panganiban ang kaniyang mga eskultura na gawa sa scrap metal materials. Photo courtesy of Gil Ryan Panganiban

TIGBAUAN, Iloilo- Ibinida ng isang seaman mula Tigbauan, Iloilo, ang mga eskultura na gawa sa mga scrap metal materials. 

Ayon kay Gil Ryan Panganiban, sa barko niya ginawa ang mga scrap metal art sculpture. Masaya siya dahil pinahiram siya ng gamit ng mga kasamahan niya sa barko at binili ng mga kasama niyang German ang iba niyang mga gawa.

Ipinost ni Panganiban ang mga gawa niyang metal scrap sculpture habang nasa barko siya at nagtatrabaho at nabigla ito ng marami ang naka-appreciate sa kanyang mga gawa.

Dagdag pa niya gusto niyang maging inspirasyon sa mga kabataan na kaya din nilang makabuo ng magagandang bagay mula sa mga scrap at kumita mula dito.

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.