PatrolPH

Guro, iginuhit si Emilio Aguinaldo ngayong Araw ng Kalayaan

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2022 10:39 AM

Courtesy: Jonathan Morano
Courtesy: Jonathan Morano

MANILA — Bilang kontribusyon niya sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, iginuhit ng isang guro at ballpoint artist mula Masbate si dating Pangulong Emilio Aguinaldo.

Ayon sa 26-anyos na si Ryan Abaño Antonio, mahalaga sa kaniyang maiguhit ang isa sa mga may mahalagang papel sa pagkamit ng Pilipinas ng kalayaan mula sa mga mananakop na Español.

“Bilang isang guro ay talagang napaka-importante para sa akin na pahalagahan at ituro sa kabataan ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan,” ani Antonio, isang guro sa Mambog Elementary School sa Dimasalang, Masbate.

Dagdag pa niya, paraan niya rin ito upang hindi makalimutan ng mga kabataan ang kasaysayan ng bansa at bigyan ng kahalagahan ang mga aral ng nakaraan.

Si Aguinaldo ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas. Siya ang pormal na nagdeklara ng kalayaan ng bansa noong June 12, 1898, matapos ang mahigit 300 taong pananakop ng Espanya.

Siya rin ang itinuturing na pinakabatang naging presidente ng bansa, at kauna-unahang pangulo ng isang Constitutional Republic sa buong Asya.

— Ulat ni Aireen Perol

FROM THE ARCHIVES:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.