'Pantawid ng Pag-ibig': Pagkain hatid sa jeepney drivers na sapul ng lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2020 09:15 PM | Updated as of Jun 12 2020 11:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Kompleto ang anim na pinalayang jeepney driver ng Piston nang maghatid ang ABS-CBN ng pagkain sa kanilang tanggapan sa Project 3 sa Quezon City. 

Gayunman, hindi pa tapos ang kalbaryo nilang mga tsuper. Habang suspendido pa rin ang ilang pampublikong transportasyon, gaya ng mga jeepney, nananatili pa rin ang karatula na nananawagan ng pagkain sa terminal ng FEJODAP sa Maynila. 

Sa kusina ng mga na-stranded na driver naghahati-hati ang mga tsuper sa isang kilong bigas at ilang pirasong pinritong talong. 

"Pinagkakasya na lang namin kung ano ang binibigay ng mga dumadaan sa amin. Yung bigay ng LGU paubos na rin, yung isang sako,” ayon sa jeepney driver na si Rico La Paz. 

At dahil hindi pa sila makauwi sa kani-kanilang probinisya, sa mga pinapasadang jeepney muna naninirahan ang mga driver. Pero ang problema nila ngayon, ang pangrenta sa pinaparadahan. 

"Ang upa po namin dito P75,000 monthly. Magtatatlong buwan na kami rito, 'di namin alam paano i[so-shoulder] ang utang. 'Di namin alam hanggang kailan to, sana makabiyahe na kami para maibsan namin yung gastusin namin at ang pamilya namin,” ani La Paz.

Laking pasasalamat lang ng tsuper na si Roderick Naluz na napabilang ang kaniyang jeep sa naipapasadang mobile palengke sa Quezon City sa tulong ng kanilang grupong Pasang Masda. 

"Doon, kumikita kami kasi binibigyan kami ng tip ng bawat vendors. P500, P300, tapos may fixed na kitang P1500 na bayad sa jeep. Lima ang anak ko tapos dalawa ang apo ko. Hindi mamatay sa COVID, sa gutom mamamatay kung hindi sa gutom kung hindi kami pinasok sa Quezon City ng presidente namin,” ani Naluz. 

Magsisimula sa darating na linggo ang isa pa nilang proyekto kung saan magiging delivery service ang jeep ni Naluz. 

Pero aminado ang pangulo ng grupo na si Obet Martin na maliit na porsiyento lang ng kanilang mga driver ang kayang maisama sa ganitong programa, na may layong punan ang kakulangan sa kita ng mga tsuper ngayong may lockdown. 

"Itong LalaMove-LalaJeep mag-start by Monday, another 30 units. Ang gagawin dito, magre-reshuffle kami ng mga jeep at driver para kumita rin, although may mga qualification yan," ani Martin. 

Bilang pag-agapay sa libo-libong tsuper na wala pang hanapbuhay, nagdala ang "Pantawid ng Pag-Ibig" ng ABS-CBN ng 3,000 pack ng bigas, de-lata, at kape para sa Pasang Masda, FEJODAP, at PISTON. 

"Maraming driver nakikita ngayon namamalimos kasi walang pinagkakakitaan. Ako'y lubos na nagpapasalamat sa ABS-CBN sapagkat ito'y napakalaking tulong sa amin. Ang sikmura ng mga driver na mabibigyan, luluwag na,” ani Martin. 


Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto: 

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.