Para makatulong sa ina: Binata nagba-barter ng obra kapalit ng grocery items

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2020 04:24 PM

Sariling gawang mga karatula kapalit ng grocery items ang diskarte ng isang binata sa Baguio City para makatulong sa kaniyang ina ngayong may coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. 

 

Gamit ang scrap na kahoy at pintura, naisipan ng 18 anyos na visual artist na si Angel Valerio na gumawa ng makukulay na karatula habang naka-lockdown. 

Dito, naglagay siya ng mga simpleng paalala sa publiko tulad ng "Keep Calm and Always Wear Mask"; "Stay Home and Save The World" at iba pa. 

Kuwento ng Bayan Patroller na si Maricar Docyogen, kasama si Valero sa grupong "Pasa-kalye Group of Artists" 

Dahil medyo kapos ang kaniyang pamilya, binigyan nila si Valerio ng kahoy para magamit sa paggawa ng karatula. 

Isa hanggang dalawang oras ang inaabot ni Valerio sa pagpinta ng mga karatula. 

Ipinagpapalit niya ito ng pagkain o grocery items para makatulong sa kaniyang ina na mag-isa siyang tinataguyod. 

Kakatapos lang ni Valerio ng Senior High at balak munang maghanap ng trabaho para mas makatulong sa pamilya. 


-- Bayan Mo, Ipatrol Mo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.