Gazini Ganados pangarap makilala ang ama

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2019 08:11 PM

Watch more in iWantTFC

Kasunod ng pagtanghal sa kaniya bilang pambato ng bansa sa Miss Universe 2019, ibinunyag ni Gazini Ganados ang pangarap niyang matagpuan ang kaniyang amang Palestinian.

Ayon kay Ganados, hindi pa niya nakikilala ang ama mula nang isilang siya.

Lumaki si Ganados sa pamilya ng kaniyang inang si Carmencita Ganados, na taga-Dapitan, Zamboanga.

"I'm in no rush of meeting him but someday, finally, I will have the time to complete myself, my soul, and to thank him for the genes," ani Ganados.

Sana raw ay matunton siya ng kaniyang ama sa Dubai sakaling matuloy ang Miss Universe 2019 pageant doon.

Mainit namang usap-usapan ang pagkumpara ng netizens kay Ganados sa mga Miss Universe runner-up ni Catriona Gray na si Miss South Africa Tamaryn Green at Miss Venezuela Sthefany Gutierrez.

Natawa na lang si Ganados sa mga punang "baklang-bakla" ang kaniyang rampa pati ang ginagayang paghawi ng kaniyang ng buhok.

Nagpasalamat din si Ganados sa mga basher na hindi bilib sa kaniyang panalo at performance sa question-and-answer portion noong coronation night ng Binibining Pilipinas.

"Because of you, hindi rin ako magiging motivated," aniya.

Paghuhusayan daw ni Ganados ang kaniyang question-and-answer para sa Miss Universe.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.