ALAMIN: Ano ang 'middle child syndrome'

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2019 05:23 PM | Updated as of Jun 11 2019 05:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kalimitang nagiging problema sa magkakapatid ang inggit o selos sa kung sino ang mas binibigyan ng atensiyon sa pamilya, lalo na para sa mga middle child o iyong pangalawa sa pangatlong anak.

Ayon sa guidance director ng Far Eastern University na si Dr. Shiela Marie Hocson, "psychosomatic" o karamdamang nakukuha sa internal conflict o stress ang tinatawag na "middle child syndrome."

"Halimbawa, mayroon siyang panganay ta's yu'n yu'ng unang nakakakuha ng attention, tapos nagkaroon siya ng bunso na cute na cute, so 'yung pangalawa, 'yun 'yung nakakalimutan ang attention," ani Hocson sa programa na "Sakto" ng DZMM.

May epekto rin umano sa pisikal na pangangatawan ng bata ang pagkakaroon ng middle child syndrome.

"'Yung bata minsan nagkakaroon ng sakit na pinao-ospital mo pinag-e-emergency mo, nilalagnat and everything, pero the laboratory results are normal... It is what you call lack of attention. Puwedeng physically lumalabas 'yung results," aniya.

Para maiwasan ito, mahalaga umano na pantay-pantay ang turing sa bawat anak, gaya ng pagsasabing paborito ng magulang ang lahat ng kaniyang anak at pamamahagi ng pantay-pantay na kagamitan sa bata.

"Importante mong sabihin na kapag favorite ng anak mo, secretly favorite mo silang lahat, bibigyan mo ng, example, chicken or toy, dapat lahat pare-pareho," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.