VIRAL: Asong tinapat sa aircon dahil naiinitan sa Tuguegarao

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2021 06:54 PM

 

MAYNILA— Kinagiliwan sa social media ang mga larawan ng isang aso na itinapat sa aircon dahil naiinitan. 

“Ang pinakaimportanteng member sa pamilya namin na bawal hingalin,” ayon sa may-aring si Sheena Ulrich Barien. 

Kwento ni Barien, kuha ang larawan nitong Mayo sa Barangay Carig, Tuguegarao City. 

Ang aso sa larawan ay si Pepper, isang shih tzu.

Ayon kay Barien, magaling ang acting skills ni Pepper. Tila umaarte raw ito kapag naiinitan at nais na pabuksan ang aircon. 

“Naisipan ko lang pong itapat ang alaga namin sa aircon habang buhat siya kasi nung mga oras na 'yan grabe 'yung hingal niya ... kapag napapansin niya pong naka-off na 'yung aircon, nilalabas niya po ang dila niya at pinapakitang hingal," aniya. 

"Pagka-on na pagka-on ng aircon mukhang okay na po siya, ginagamitan niya po kami ng acting skills niya.”

Mensahe niya, kahit na medyo magastos ang pagkakaroon ng alaga ay iba pa rin ang kasiyahan na kanilang ibinibigay sa buhay ng kanilang mga amo. 

— Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, I-Patrol Mo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.