Edible straw sa coffee shop sa Laguna, ikinatuwa

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2021 07:42 PM

 

Natuwa si Bayan Patroller Paul Anton Mahinay nang makita ang edible straw mula sa isang coffee shop sa San Pablo City, Laguna kung saan siya bumili ng inumin nitong Martes. 

Ayon kay Mahinay, ang edible straw ay makatutulong sa pagbabawas ng basura.

“First time ko po maka-encounter po ng ganun. At ako po ay isang science teacher. Bukod po sa pagtuturo, kasama na rin po sa adbokasiya ko na bigyan halaga ang kalikasan," aniya.

Ayon sa Bayan Patroller, tinikman niya ang straw at wala naman itong lasa na malamang ay sinadya rin para hindi makaagaw sa lasa ng inumin. 

Ayon sa acting general manager ng nasabing coffee shop, gawa ang kanilang edible straw sa rice (70%) at tapioca (30%). Ito ay kasalukuyang nabibili sa ibang bansa.

Ani Mahinay, sana ay gumawa at pumili ng mga bagay na makakapagpasaya at makatutulong sa ating kalikasan.

--Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, I-Patrol Mo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.