SILIPIN: Ilang inaasahang 'pasabog' sa coronation ng 'Binibini 2019'

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2019 07:39 PM

Watch more in iWantTFC

Pukpukan na ang rehearsals sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2019 sa Linggo.

Mula sa kanilang guesting sa programang "It's Showtime" nitong Huwebes, diretso ang beauties sa matinding dance rehearsals sa tema ng makabayang kantang "Raise Your Flag" na inspired ni Miss Universe Catriona Gray.

Magdamagan din ang taping ng mga kandidata sa Cavite, Corregidor, at Bataan para sa opening shots.
    
Samantala, kumpirmadong isusuot ni Gray sa Linggo ang dalawang gowns na likha ni Mak Tumang.

Matatandaang si Tumang din ang designer ng gowns na nagpapanalo kay Gray sa Miss Universe sa Thailand noong Disyembre. 

FEARLESS FORECAST

Inilantad na rin ng organizers na sasalain ang 40 candidates pababa sa first cut na 25 semi-finalists hanggang mapili ang top 15.

Doon na hihirangin ang top 6 winners na kokoronahan at dalawang runners-up.

Nagsimula na ring maglabasan ang sari-saring fearless forecast ng pageant experts.
    
Kabilang sa favorites na manalo sina Emma Tiglao, Vicki Rushton, Jessarie Dumaguing, at Julia Saubier.

Maugong din sina Hannah Arnold, Sam Bernardo, Pat Magtanong, Samantha Lo, at Gazini Ganados. 

Paalala naman ng Binibining Pilipinas, crucial sa judging ang question and answer portion.


—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.