TFC News

Jeepney at Tinikling ipinakilala sa kabataan ng Turkiye

TFC News

Posted at Jun 06 2023 10:56 AM

ANKARA - Nakiisa ang Philippine Embassy at Sentro Rizal Ankara sa selebrasyon ng taunang National Sovereignty and Children’s Day kamakailan. Ito’y isang espesyal na araw na alay ng Turkiye sa mga kabataan.

Pinangunahan ni Chargé d’affaires Juan Dayang, Jr. ang Philippine delegation kasama ng ilang miyembro ng Filipino community sa opening ceremony ng week-long activities sa Munisipalidad ng Cankaya.

1
PE Ankara

Pinagbidahan ng kindergarten students mula Çankaya ang mga palabas sa pagsisimula ng event. Kabilang sa ambag na aktibidad ng PH Embassy ang Philippine cultural immersion activity para sa mga kabataan.

Ipinakilala sa mga bata ang makulay na Philippine jeepney, sa pamamagitan ng isang video presentation, 3D jeepney paper crafts, isang jeepney photo booth, at patikim sa mga panghimagas tulad ng pulvoron at chocnut.

2
PE Ankara 
3
PE Ankara

Sumali rin ang Philippine Embassy sa “Gala Night of National Sovereignty and Children’s Day” noong April 28, 2023.

Ang event ay inorganisa ng Çankaya Municipality. Tampok sa event ang cultural performances ng iba-ibang embahada kasama ang Pilipinas.

4
PE Ankara
4
PE Ankara
6
PE Ankara     
6
PE Ankara

Ibinida ng mga Pilipino ang tradisyunal na Tinikling dance na isinayaw ng ilang miyembro ng Filipino community sa Ankara.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Turkiye, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.