RECIPE: Chicken tenders

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 10:25 AM | Updated as of Jun 06 2019 10:41 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naghahanap ka ba ng maihahandang baon para sa iyong anak? 

Maaari mong subukang magluto ng chicken tenders, isang hassle-free na putahe na madaling makakain ng anak sa eskuwela. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Huwebes ang guest kusinero na si Ice Arrojado para ibahagi kung paano magluto ng chicken tenders. 

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap: 

PARA SA CHICKEN TENDERS 
• Petso ng manok
• Harina
• Breadcrumbs
• Itlog
• Asin
• Paminta

SANGKAP SA MUSHROOM GRAVY
• Beef stock
• Butter
• Harina
• Asin
• Paminta
• Mushrooms

Paraan ng pagluluto: 

CHICKEN TENDERS 
• Ibabad ang manok sa tubig na may asin sa loob ng 45 minutes
• I-drain ang manok at timplahan ng asin at paminta
• I-roll ang manok sa harina, sa itlog, at bread crumbs at iprito hanggang maging golden brown

MUSHROOM GRAVY:
• Tunawin ang butter at ilagay ang harina
• Ihalo ang beef stock at mushrooms
• Timplahan ng asin at paminta at hintaying lumapot

Maaari nang ihain ang chicken tenders.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.