RECIPE: Beef rendang ng Indonesia

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 12:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patok sa bansang Indonesia ang Beef Rendang, isang putahe na may taglay na anghang.

Maaari mo itong subukang gawin sa iyong kusina.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinero na si Tatung Sarthou para ibahagi kung paano magluto ng Beef Rendang

Narito ang mga sangkap:
• Kinayod na niyog
• Mantika
• Bawang
• Luya
• Tanglad
• Sibuyas
• Star anise
• Turmeric powder
• Baka
• Patatas
• Soy sauce
• Asukal
• Gata
• Asin
• Paminta
• Siling labuyo (optional)

Paraan ng pagluluto

Asinan ang karne ng baka at itabi.

Gamit ang isang kawali, i-tosta ang kinayod na niyog.

Gawin ito hanggang maging tuyot at brown. Itabi.

Igisa ang bawang, sibuyas, luya, tanglad, turmeric at star anise.

Gawin ito hanggang sa bumango ito at manilaw.

Igisa rin ang karneng baka kasama ang mga rekado.

Ilagay na rin ang kalahati ng tostadong niyog.

Timplahan ng toyo, asukal at gata.

Pakuluin ito hanggang sa lumambot ang baka.

Puwede itong lagyan ng siling labuyo para umanghang ito.

Idagdag ang patatas at lutuin ng ilan pang minuto para lumambot.

Ihain ang rendang at budburan ng tostadong niyog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.