Catriona emosyonal sa nalalapit na pagpasa ng 'Binibini' crown

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 06:37 PM | Updated as of Jun 05 2019 09:20 PM

Inamin ni reigning Miss Universe Catriona Gray na emosyonal siya sa nalalapit na coronation ng bagong Binibining Pilipinas queens, kung saan ipapasa niya ang kaniyang local title sa mapipiling kandidata. 

"I'm going to feel a little bit emotional because this is really where it all began, where I was given a chance to represent the Philippines," ani Gray nitong Martes ng gabi sa isang charity gala ng Miss Universe-Philippines. 

Noong nakaraang taon ay kinoronahan si Gray bilang Miss Universe-Philippines na nagbigay daan para maging kinatawan siya ng Pilipinas sa Miss Universe pageant. 

Watch more in iWantTFC

Noong Disyembre 2018 ay tinanghal si Gray na ika-4 na Miss Universe ng Pilipinas. 

Sabi ni Gray, isang malaking karangalan na ipasa ang korona sa Pinay na maaaring sumunod sa yapak niya. 

"To be able to pass on that amazing honor to the next Filipina representative... It's really exciting... It's an amazing batch and I'm sure they'll do very well," aniya.

Sa Linggo ay nakatakdang ganapin ang Binibining Pilipinas 2019, kung saan kokoronahan ang ilang kandidata para ipadala sa iba't ibang international pageant ngayong taon.

Napili bilang mga host sina Anne Curtis at Richard Gutierrez. —Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.