PatrolPH

Pekeng retoke? Mga biktima, ibinahagi ang kanilang karanasan

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2019 12:19 AM | Updated as of Jun 03 2019 12:28 PM

Sa halip na gumanda, lalong lumala ang naging kalagayan nina Arnel Tamparong at Mary Grace Jacob matapos silang sumubok magparetoke.

Si Arnel, nagpaturok ng "botox" sa pisngi dahil sa kagustuhang mabawasan ang kapayatan nito.

Si Mary Grace naman, sumubok magpatangos ng ilong.

Sa kasamaang palad, pareho nilang iniinda ngayon ang epekto ng kanilang pagpaparetoke.

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.