'Santacruzan' ng mga manyika tampok sa isang bayan sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 02:15 PM

Gawa sa recycled materials ang mga arko at damit ng mga manyikang ibinida sa "Santacruzan 2020: Barbie Doll Edition" sa Leganes, Iloilo. Courtesy: William Recabar

Isa ang Santacruzan sa mga inaabangang okasyon tuwing Mayo kaya tiyak na marami ang nadismaya lalo’t suspendido ang mga naturang pagtitipon dahil sa banta ng coronavirus (COVID-19). 

Kaya ang isang LGBT group sa Leganes, Iloilo, may naisip na paraan para masagawa pa rin ito sa gitna ng pandemya. 

Bida ang mga manyika sa "Santacruzan 2020: Barbie Doll Edition," na inorganisa ng LGBTQ Leganes. 

Gawa sa recycled materials ang mga arko gaya ng plastic spoon and fork, kahoy, at iba pa. 

Mga retaso naman ang kanilang ginamit sa mga gown na iba-iba ang disenyo. 

May pictorial din ang mga manyika sa plaza at labas ng simbahan

Layon ng grupo na ituloy ang trandisyon na ito tuwing katapusan ng Mayo habang may peligro pa ng COVID-19. 

Hangad anilang makapagbigay ng inspirasyon habang nagpapatuloy ang lockdown, gamit ang kanilang mga talento. 

Plano rin ng grupo na magsagawa ng wedding fair sa katapusan ng Hunyo, pero manyika muli ang gagamiting modelo para matulungan ang events industry na mairaos ang lockdown.

— Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.