PatrolPH

Pag-aalaga ng indoor plants nagiging patok na libangan habang lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 04:37 PM | Updated as of Jun 02 2020 09:30 PM

 

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Naging "plant parent" o nag-aalaga ng halaman ang telecommunications professional na si Derick. 

Malaking tulong ang kaniyang mga halaman para makapag-adjust sa pagkakakulong niya sa bahay simula noong nagkaroon ng pandemya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

"It reduces yung anxiety and stress level and at the same time improves your creativity and productivity kasi minsan pag titingnan mo lang or kakausapin mo ang plants some sort of nagbibigyan ng tranquility di ba," ani Adil. 

Sa online seller sa Instagram bumili at saka nagpa-deliver si Adil ng kaniyang mga halaman. 

Ang ilan, sa White Plains sa Quezon City namili ng mga halaman. 

“Nakakatanggal ng stress eh its a stress reliever especially pag tinitingnan mo lang in the morning, nagdidilig ka and again in the afternoon parang nakaka-relax,” ayon sa negosyanteng si Marlon Santos. 

Naglalaro sa P50 hanggang P1,000 ang presyo ng mga mabentang halaman. 

In demand kung maituturing ang mga indoor plant, ayon kay Hello Tolentino, na nagsabing punuan sila kapag weekend. 

Ayon sa isang therapist, mabuting may pinagkakaabalahan ang mga naka-lockdown para hindi sila mabagot. 

“Definitely maganda yan kasi itong paghahalaman ay life-giving, magbibigay sa atin ng pag-asa, it is an expression of meaning and search of hope para sa maramaing tao and kasama na yan sa self development,” ani Iisa Reyes, isang resiliency therapist. 

Para kay Adil, kahit metikuloso ang mga halaman niya, malaking tulong sila sa pang-araw-araw na buhay ngayong may banta ng coronavirus. 

— Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.