PatrolPH

Gowns ng Pinay beauty queens ginawan ng food art

ABS-CBN News

Posted at May 31 2021 01:25 PM

Gowns ng Pinay beauty queens ginawan ng food art 1
Isang Grade 12 student mula Badiangan, Iloilo ang gumagawa ng 'food art' ng mga gown ng mga Filipino beauty queen. Retrato mula kay Edgian James Florida

Patok ngayon sa Iloilo ang food art ng mga gown ng mga Filipino beauty queen na gawa ng isang Grade 12 student mula sa bayan ng Bandiangan.

Gawa sa noodles, bigas, cookies at tsokolate ang mga food art gown na gawa ni Edgian James Florida.

Kabilang sa ginawan niya ng food art ang gown na sinuot ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018.

Ayon kay Florida, pangarap niya talagang maging fashion designer kaya nga siya ay umaasa na may tutulong sa kanya na makapasok sa kolehiyo. 

Simpleng magsasaka lang kasi aniya ang kaniyang ama habang overseas Filipino worker ang ina kaya mahihirapan umano ang kaniyang mga magulang na maipasok siya sa kolehiyo.

Sa kabila nito, naniniwala si Florida na maaabot pa rin niya ang kaniyang pangarap na maging isang fashion designer.

-- Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.