Backyard gardening, nais isulong gamit ang lapis na naitatanim

ABS-CBN News

Posted at May 31 2019 08:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naisip ng isang babae sa Cebu na gamitin ang maiikling lapis bilang tanim, o ang tinatawag na plantable pencils para mahikayat ang backyard gardening. 

Nagsilbing inspirasyon umano kay Mary Rose Arnejo ng Cebu ang isang international environmental group sa paggawa ng plantable pencils. 

Bahagi na rin daw ito ng kaniyang pagsulong sa backyard gardening. 
Sa itaas na bahagi ng lapis nakalagay ang mga buto at may mga label, depende sa buto o seeds na laman nito. 

Ilan sa mga butong inilalagay ay galing sa kamatis, sunflower, at carrot, at maaaring maging tanim na sa mga sumusunod na taon. 

Ani Arnejo, gumagamit siya ng lumang lapis. Paraan niya raw ito para makatulong sa pangangalaga sa kalikasan lalo na sa dagat na ginawang tapunan ng basura. 

Hinimok niya ang publiko na magpatuloy sa paggawa ng mga alternatibo sa pagsagip sa kalikasan. 

--Ulat ni Leleth Rumuguera, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.