TFC News

Mobile photography contest, bukas sa mga Pinoy sa Myanmar

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News Myanmar

Posted at May 29 2023 02:56 PM

MYANMAR - Inaanyayahan ang mga Pilipino sa Myanmar maging ang Myanmar nationals na nakarating na sa Pilipinas na lumahok sa Mobile Photography Contest: Ngiting Pilipinas sa Myanmar. Ang paligsahan ay proyekto ng Embahada ng Pilipinas sa Myanmar kasama ang Sentro Rizal Yangon. 

Ang mga mapipiling larawan ay itatampok sa iba-ibang aktibidad ng embahada ngayong Hunyo para sa pagdiriwang ng ika-125 Kalayaan ng Pilipinas na may temang "Kalayaan (Freedom). Kinabukasan (Future). Kasaysayan. (History).” 

Ang mga sumusunod ang mga alituntunin ng photography contest ayon sa embahada: 

  • Ang mga larawang ilalahok ay kailangang kuha mula sa isang smartphone at nagpapakita ng daily cultural life na unique sa Myanmar tulad ng mga tanawin, pagkain, mga pagdiriwang at iba pang okasyon. 
  • Bawat kalahok ay maaaring magsumite ng isang larawan lamang bilang entry. 
  • Lagyan ng title at description ang larawan sa wikang Ingles na hindi lalampas sa 50 words. Kailangang maibahagi sa description kung ano ang dahilan ng pagngiti ng kalahok sa larawan at kung paano nito natutugunan ang pananabik sa Pilipinas sa pamamagitan ng cultural experience at paninirahan sa Myanmar. 
  • Ang entry photo ay dapat kuha kamakailan lamang at hindi pa nanalo sa anumang paligsahan. 

Ang larawan ay dapat nasa JPEG format at may minimum size na 1MB at may resolution na hindi bababa sa 10MP at maaaring nasa landscape o portrait orientation.

Tatanggapin lamang ang mga entry na ipinadala via electronic mail sa: yangonpe.events@gmail.com hanggang June 4, Linggo, 11:59pm Myanmar time. 

Kailangang i-attach sa email ang mga sumusunod: 2x2 photo, kopya ng valid ID, at contact details (home address at mobile number) kalakip ang description ng larawan. 

Lahat ng magsusumite ay makatatanggap ng Certificate of Participation. Pipiliin ng panel of judges ang mga nagwagi sa June 12, Lunes.  

Ang mga sumusunod ang mga papremyo:  

First Prize: 250,000 Kyats   Second Prize: 150,000 Kyats   Third Prize: 100,000 Kyats  

5 Consolation Prizes: 50,000 Kyats each 

Bisitahin ang link na ito para sa iba pang detalye.