ALAMIN: Recipe ng 'wonder drink' ni Dyan

Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Posted at May 29 2017 01:36 PM

Wonder drink mula sa luyang dilaw o turmeric ang bagong bahagi ng morning routine ni Dyan Castillejo.

Nasa P90 bawat kilo lang sa palengke ang luyang dilaw. Isang tasa nito, siguradong sulit na sa sustansiya.

Narito ang mga hakbang sa paggawa ng isang masustansiyang inumin na panlaban sa sakit: 

Step 1: Gayatin (grate) ang luyang dilaw. 
Step 2: Pigain ang laman (grated flakes). 
Step 3: Diretso nang inumin ang luyang dilaw. 

Matagal nang ginagamit ng mga taga-China at India ang turmeric o luyang dilaw tea na pampalakas ng immune system para labanan ang mga sakit tulad ng ubo o sipon.

Anti-inflammatory rin ang luyang dilaw kaya nakatutulong sa pagtanggal ng masakit na joints sa katawan. Tinatawag itong natural pain killer.

Guyabano: kampeon sa nutrisyon

Pampabuti ang luyang dilaw sa brain function at sintomas ng depression. Malakas na antioxidant ito kaya anti-cancer din.

Maaari ring magdagdag ng lemon juice o kaunting purong honey kung nais ng ibang lasa.

Kasabay ng luyang dilaw, kampeon din sa nutrisyon ang prutas na guyabano.

Palamigin nang kaunti ang prutas, tanggalin ang buto at i-enjoy ang sustansiyang hatid ng guyabano.

Mayaman ito sa vitamins at minerals tulad ng vitamin A , C , B complex, protein, magnesium, zinc, calcium, at potassium.

Ayon din sa mga eksperto, nakatutulong ang guyabano panlaban sa depression, high blood pressure, at sleeping disorder. Kilala rin ito na malakas na pampatay sa mga cancer cells. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.