PatrolPH

TINGNAN: Pusang may 'akyat-bubong' pass kinaaliwan sa social media

ABS-CBN News

Posted at May 28 2020 03:25 PM | Updated as of May 28 2020 07:34 PM

TINGNAN: Pusang may 'akyat-bubong' pass kinaaliwan sa social media 1
Kung karamihan ng Pinoy ay quarantine pass ang kinukuha, ang pusang si Luna ay may espesyal na "akyat-bubong" pass. Retrato mula kay Vienne Vi

MAYNILA — Viral ngayon sa social media ang kuhang retrato ni Bayan Patroller Vienne Vi sa pusa niyang si "Luna" na binigyan niya ng kakaibang "pass" sa gitna ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19.

Kung ang karamihan ng Pinoy ay kumukuha ng quarantine pass para makalabas ng bahay, si Luna ay naisyuhan ng isang "akyat-bubong" pass. 

Pero paglilinaw ni Vi, hindi naman daw pala-gala ang kaniyang pusa. 

Mahilig din bihisan ni Vi si Luna na sinusuotan niya ng iba't ibang klase ng damit at headband. 

Sa ngayon ay nakakuha na ang post ni Vi ng 15,000 shares sa Facebook. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.