'Pantawid ng Pag-ibig': Food packs hatid sa Plaridel, Bulacan

ABS-CBN News

Posted at May 28 2020 06:04 PM | Updated as of May 28 2020 08:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Excited sa pag-graduate ang Grade 10 student na si Jen Inciso ngayong school year. 

Pero dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) hindi na natuloy ang pinakahihintay niyang okasyon. 

Malalim ang hugot ni Inciso dahil alay niya sana ang martsa sa kaniyang ina na pumanaw bago mag-lockdown dulot ng mga komplikasyon sa puso at baga. 

“Balak ko po sana siya po iyong aakyat po kasi siya po iyong nagpursigi po sa akin na mag-aral kasi noong nakaraan po ayaw ko po kasing mag-aral siya lang po iyong nag-push sa akin,” aniya. 

“Iyon na lang sana maireregalo ko kay mama iyong panghingi ko ng sorry sa kaniya iyong moving up na iyon,” dagdag niya. 

Sa pagbo-volunteer naman inilalaan ng SK Kagawad na si Roden ang kaniyang oras habang may quarantine. 

Kasama ang ibang mga kabataan, tumutulong siya sa mga gawain ng kanilang barangay kagaya ng pamimigay ng relief packs at nagbabantay tuwing gabi. 

“Iyong sakripisyo po namin parang wala po iyong pagod iyong nararamdaman po namin matulungan lang po namin mga kababayan namin,” ani Victoria. 

Ang mga kabataang miyembro naman ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community ng Plaridel ay nagtagisan ng talino at ganda sa kanilang online beauty pageant na inorganisa ng kanilang munisipyo. 

Ito’y para sa pagkakaisa at mapalaganap ang kanilang adbokasiya sa gitna ng pagsubok. 

At bilang pakikibahagi, namahagi ng food packs ang Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN sa Plaridel para makatustos sa mga darating na araw. 

“Wish ko po na matapos na po ang problemang ito at lalo tayong tulungan ng ating mahal na Panginoon para po makabalik na po tayo sa normal na pamumuhay…at sa suporta ng ABS-CBN sa probinsya ng Bulacan maraming salamat po,” ani Fernando. 

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.