DIY national costume ni 'Baby Rabiya', kinagiliwan sa social media

ABS-CBN News

Posted at May 27 2021 11:21 PM

DIY national costume ni 'Baby Rabiya', kinagiliwan sa social media 1
Larawan mula kay Jeanber Lee Enriquez

Kinaaliwan ng mga netizen ang do-it-yourself costume ng 10 buwang gulang na si Baby Ethiena ng Mabalacat City, Pampanga.

Suot kasi niya ang national costume na kahawig ng isinuot ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa nakaraang Miss Universe pageant.

Ayon sa nanay niyang si Jeanber Lee Enriquez, karton, crepe paper, at mga retasong tela na galing sa mga lumang damit ang kaniyang ginamit sa pagbuo sa costume. 

Maliban sa Rabiya costume, dinamitan din ng lava gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang cute na baby. 

Ito ang ilan lamang sa mga nagiging monthly outfit ni baby Ethiena tuwing sasapit ang kaniyang monthly birthday. 

- ulat ni Trisha Mostoles