RECIPE: Oyster mushroom chicharon

ABS-CBN News

Posted at May 26 2019 03:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Malutong, malasa at mabilis lutuin ang ilan sa mga salitang maaaring maglarawan sa oyster mushroom chicharon.

Sa programang "Salamat Dok," ibinahagi ng culinary nutritionist-dietitian na si Fia Batua ang paraan ng pagluto sa nasabing putahe.

Ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

  • Oyster mushroom
  • Harina
  • Asin 
  • Paminta
  • Bawang

Tiyaking nahugasan nang maigi ang oyster mushroom at natanggal ang dulong matigas na bahagi nito.

Ilagay sa bowl ang mga mushroom at budburin ng kaunting harina. Puwede ring gamiting alternatibo ang wheat flour kung may diyabetes ang kakain.

Lagyan ng asin at paminta ang mushroom. 

Depende sa panlasa, ani Batua, kung gaano karaming asin at paminta ang ilalagay pero mainam na kaunti lang ang asin gayong may natural na alat na ang mushroom.

Lagyan ng bawang ang mushroom para matakpan daw ang "pagka-earthy flavor" nito at maging mas malasa.

I-deep fry o prituhin ang mushroom sa mantika sa loob ng 3 minuto, ayon kay Batua.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.