KILALANIN: Mga fans na all-out sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang idolo

ABS-CBN News

Posted at May 26 2019 11:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi biro ang kayang gawin ng mga tagahanga para maipakita ang pagmamahal sa kanilang mga idolo.

Ang magkaibigang sina Katherine Martin at Camille Pasao. Mula panonood ng concert at pangongolekta ng mga souvenir, poster at albums, ngayon nagpagawa ang dalawa ng cafe para sa kanilang mga kapwa fans ng Korean boy group na SHINee.

Si Edwin Geronimo naman, nasa 30 taon nang fan ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Mula sa pag-iipon ng mga cassette tape at album ni Regine, ngayon nakapagpadagdag na ng isa pang floor sa kaniyang bahay si Edwin para lamang i-display ang kaniyang mga naipong album at poster ni Regine.

- Rated K, Mayo 26, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.