TFC News

Filipino cuisine bibida sa serye ng culinary events sa Belgium

TFC News

Posted at May 25 2023 01:16 PM

BRUSSELS - Sa kauna-unahang pagkakataon Pilipinas ang feature country sa serye ng major culinary events sa Belgium ngayong Mayo at Hunyo.

Unang bumida ang mga lutong Pinoy sa ‘The Streat Fest’ nitong May 11 hanggang 14, 2023. Kasunod naman nito ang ‘Tour & Taxis’ Brussels: the Philippine Culinary Week sa June 2,10 at 12, 2023 na gaganapin sa Sofitel Brussels Europe; at ang Amazing Asia Festival sa June 23 at 25, 2023 sa Konijnenwei, Antwerp.

1
Philippine Embassy in Brussels

Sina Filipino chefs Jerome Calayag at Glenn Ramaekers, at ang Filipino-Asian restaurants Goodphil and Calamansi ang magpapakilala sa iba-ibang pagkaing Pinoy sa mga dadalo sa events.

1A
Kwek-kwek (ABS-CBN News)

Kasama sa ibibidang pagkain ay ang ube (purple yam), calamansi (Philippine lemon), at cacao. Kasama rin ang mga street food tulad ng fish ball at kwek-kwek. 

2
Sisig (ABS-CBN News)

Maging ang mga sikat na pagkaing Pinoy tulad ng lechon at sisig ay ibibida muli. Matitikman din ng mga bisita ang Don Papa Rum, na sasamahan pa ng apetizers o pulutan.

3
Lechon (ABS-CBN News)

At para sa mga gustong masubukang magluto ng Pinoy cuisine, maari ding sumali sa culinary workshops. Mag-o-organisa rin ang Philippine Embassy sa Brussels ng Business to Business (B2B) meetings sa pagitan ng Filipino at Belgian entrepreneurs.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Belgium, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.