PANOORIN: Pia Wurtzbach at Gazini Ganados, sumabak sa 'Sports U' challenge

ABS-CBN News

Posted at May 25 2020 12:35 PM

MANILA -- Sumabak ang mga beauty queen na sina Pia Wurtzbach at Gazini Ganados sa fitness challenge ni Dyan Castillejo, na host ng programang "Sports U."

Unang hinamon ni Dyan si Pia na gawin ang kanyang ibinigay na workout at magpadala ng video bilang bahagi ng #SportsUPanaloChallenge.

Matapos gawin ng dating Miss Universe ang lahat ng ehersisyo tulad ng side-step squat-jump, plank-jump, abs and arms workout, at jog-and-punch, ipinasa niya ang challenge kay Gazini.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sports U (@sportsutv) on

Nitong Lunes, inilabas ng "Sports U" ang video ni Gazini, na hinamon naman ang kapwa-Miss Universe Philippines na si Rachel Peters.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sports U (@sportsutv) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.