ALAMIN: Karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng dugo sa ihi | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng dugo sa ihi

ALAMIN: Karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng dugo sa ihi

ABS-CBN News

 | 

Updated May 22, 2019 03:29 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dapat agad na magpakonsulta sa doktor kapag nakaranas ng pagkakaroon ng dugo sa ihi, lalo na ang mga matatanda, ayon sa isang urologist.

Mainam na magpatingin sa espesyalista ang mga taong nakaranas ng hematuria, o iyong pagkakaroon ng dugo sa ihi, dahil maaaring sintomas ito ng pagkakaroon ng kanser sa urinary tract o daanan ng ihi, sabi sa DZMM ni Dr. Pedro Lantin III.

"Dapat magsuri na lalo na sa adult kasi more often than not, it can be cancer," sabi ni Lantin sa programang "Good Vibes."

Puwedeng kanser ang dahilan ng pagdurugo kapag wala raw naramdaman na pananakit sa pag-ihi ang pasyente.

ADVERTISEMENT

Ilan sa mga kanser na maaaring magdulot ng pagdurugo sa ihi ay kanser sa bato o kidney, pantog, urethra, at prostate sa lalaki.

"Almost all cancers ng urinary tract can cause bleeding," aniya.

Maaari ring magdulot ng pagdurugo ang mga impeksiyon sa daluyan ng ihi, at pagkakaroon ng stones o bato, ayon kay Lantin.

Ipinaliwanag din ni Lantin na may mga sanhi rin ng pagdurugo na walang kinalaman sa daluyan ng ihi gaya ng pag-inom ng gamot at pag-eehersisyo.

Mahalaga umanong alam ng pasyente kung saan nanggaling ang pagdurugo, ani Lantin.

Kapag sa upper urinary tract ang problema, makararamdam daw ang pasyente ng sakit sa apektadong bahagi.

"Vermiform clots" o dugong mala-bulate o spaghetti ang nasa ihi kapag nasa upper urinary tract daw ang problema.

Kapag galing sa pantog ay kadalasang namuong dugo umano ang makikita sa ihi.

Masasabi naman daw na sa urethra galing ang dugo kapag ito ay walang masyadong pamumuo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.