PatrolPH

Higit 3,000 lumahok sa fun run para sa pagpapagawa ng paaralan sa Nueva Ecija

Andrea Taguines, ABS-CBN News

Posted at May 21 2023 12:48 PM | Updated as of May 23 2023 11:14 AM

Eksena sa Color Fun Run for Education 2023 sa Pasay City, Mayo 21, 2023.
Eksena sa Color Fun Run for Education 2023 sa Pasay City, Mayo 21, 2023.

Higit 3,000 tao ang nakitakbo nitong umaga ng Linggo sa isang fun run sa Pasay City, na layong makatulong sa isang paaralan sa Nueva Ecija.

Proyekto ng grupong JCI Manila ang event na Color Run for Education 2023, na naglalayong makalikom ng pera para sa pagpapagawa ng bagong gusali sa Monic Elementary School sa Nampicuan, Nueva Ecija.

Ayon sa head teacher ng paaralan, nakatakda kasing ma-demolish ang kalahati ng kanilang silid-aralan dahil sa sobrang luma at sira-sira.

Nasa 200 estudyante ang maapektuhan sana ng demolisyon kaya nagpapasalamat sila sa JCI Manila dahil magkakaroon na ng malilipatan ang mga mag-aaral.

"I'm really happy with all the people who supported our event
kasi not only are they giving value to themselves, but also giving value to our project, especially this one which is for education so maraming tayong matutulungan na mga bata," sbai ng aktor na si Enzo Pineda, na miyembro ng JCI Manila.

Nakatulong na rin ang JCI Manila sa pagsasaayos ng mga paaraln sa Tondo, Maynila at Davao City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.