Pageant fans sa Sorsogon inabangan ang laban ni Rabiya sa Miss Universe

ABS-CBN News

Posted at May 17 2021 07:38 PM

Todo-suporta ang mga tagahanga ni Rabiya Mateo sa laban niya sa 69th Miss Universe nitong Mayo 17, 2021.

Inabangan ng pageant fans mula Bulan, Sorsogon ang laban ni Rabiya Mateo ngayong Lunes sa ika-69 na Miss Universe.

Kasama rito ang gay community mula sa Barangay San Juan Bag-o sa Bulan. Sa isang partikular na grupo, bawat miyembro ay naghanda ng banner upang maipakita ang kanilang suporta kay Mateo.

Labis ang kanilang saya nang makapasok sa Top 21 si Mateo, pero nanghinayang din dahil bigo itong makapasok sa Top 10.

Ang pambato ng Mexico na si Andrea Meza ang hinirang na bagong Miss Universe sa coronation night ng pageant na idinaos sa Amerika.

Apat na beses nang nanalo ang Pilipinas sa Miss Universe. Kabilang sa mga nag-uwi ng korona sila Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

-- Ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.