TINGNAN: Larawan ni Rabiya Mateo ginuhit sa kalsada sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at May 16 2021 02:17 PM

Gamit ang chalk, iginuhit nitong Mayo 16, 2021 sa kalsada sa Iloilo City ang larawan ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Gamit ang chalk, iginuhit ngayong Linggo sa kalsada sa Iloilo City ang larawan ni Rabiya Mateo, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

Likha ng mga Ilonggo artist na sina Kristoffer Brasileño, JJ Macabanti, at Kyle Dominic Solitana Sarte ang street art bilang pagpapakita nila ng suporta kay Mateo, na taga-Iloilo rin.

May sukat na 10x8 ang street art na matatagpuan sa Megaworld Boulevard. Bukod sa mukha ni Mateo ay tampok din ang bandila ng Pilipinas.

Tatlong oras umano ang inabot sa pagguhit ng street art.

Susubukan ni Mateo na maiuwi ang ika-limang Miss Universe crown ng Pilipinas sa coronation night na idaraos umaga ng Lunes.

— Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.