'Pantawid ng Pag-ibig': Ayuda hatid sa residente ng barangay sa Silang, Cavite

ABS-CBN News

Posted at May 14 2020 05:59 PM | Updated as of May 14 2020 08:06 PM

Sa mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing sa Barangay Maguyam sa Silang, Cavite makikitang nakahilera ang mga upuan na pinaglalagyan ng relief goods. ABS-CBN News

Sa mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing sa Barangay Maguyam sa Silang, Cavite makikitang nakahilera ang mga upuan na pinaglalagyan ng relief goods. 

Sampu-sampung residente ang lalabas ng bahay para kuhanin ang kanilang ayuda.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Yung barangay namin napakalaki. Medyo mabigat dahil halos dalawang buwan na tayong ganito,” ani Rodante Tapia, kapitan ng Barangay Maguyam. 

Walang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa barangay. Pero dama pa rin nila ang epekto ng coronavirus ngayong kasama ang Cavite sa mga naka-enhanced community quarantine nang hanggang Mayo 16. 

May mahigit 6,000 pamilya ang barangay at kahit medyo mahirap ang pamumuhay, malaking bagay na COVID-19 free ang kanilang lugar. 

Ang factory worker na si Asinette Reyes, no work, no pay sa tagal ng lockdown. 

Umaasa lang aniya siya sa ayuda. 

"Sana po makabalik na kami sa trabaho. Kulang Kasi may ginagatas na 10-month-old na baby, kapag po nag-extend pa kawawa kami,” ani Reyes. 

Pinili naman ni Richelle Dalisan na huwag munang maningil ng renta ngayong nawalan ng trabaho ang marami sa mga naninirahan sa kaniyang boarding house dala ng lockdown. 

Namimigay rin siya ng relief goods sa kaniyang mga boarder. 

"Andito ako para suportahan ang mga boarders ko,” ani Dalisan. 

Ang Barangay Maguyam ang dinalhan ng Pantawid ng Pag-Ibig campaign ng ABS-CBN ng pandugtong sa konsumo ng mga pamilya. 

"Napakalaking naitulong para sa mamamayan ko,” ani Tapia. 

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.