Pagpupugay sa mga ina: Pagdiriwang ng DZMM, pa-roses sa MRT at sa Home for the Aged

ABS-CBN News

Posted at May 14 2017 03:12 PM | Updated as of May 14 2017 11:37 PM

Ngayong Araw ng mga Ina, binigyang pugay sa iba't ibang paraan ang mga itinuturing nating "ilaw ng tahanan."

Nakisaya ang ilang ginang sa Kapamilya Day ng DZMM sa Putatan, Muntinlupa City.

Kuha ni Michael Joe Delizo, DZMM

Bilang treat, may libreng gupit para sa mga nanay. Enjoy rin ang mga ginang sa iba't ibang games. Sari-saring freebies at gift certificates din ang ipinamigay sa kanila.

Lalo namang naging blooming ang mga ginang na binigyan ng roses sa MRT-Taft Station. Matamis na ngiti ang sukli ng mga inang binigyan ng bulaklak ng mga staff at security guard ng MRT.

Kuha ni Michael Joe Delizo, DZMM

Hindi rin nalimutang bigyang pugay ang mga ina at lolang nakatira sa Home for the Aged na pinangangasiwaaan ng Care for the Elderly Foundation, Inc. sa Davao City.

 

Kuha ni Angelo Caballero, ABS-CBN News

Hindi napigilan ng isang lolang maluha nang bisitahin ng mga kaanak na halos isang taong hindi raw nakita.

Hinarana rin ang mga lola habang binibigyan ng mga rosas na pag-alala sa kanilang papel bilang ina.

 

Kuha ni Angelo Caballero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.