PatrolPH

RECIPE: Strawberry cheesecake doughnut

ABS-CBN News

Posted at May 13 2021 11:59 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Kamakailan ay nag-trending ang mga strawberry cheesecake doughnut na pinalamanan ng cream cheese at nilagyan ng fresh strawberries. 

Maaari mo rin itong subukang gawin sa inyong bahay. Sa "Taste to Taste" segment ng programang "Sakto," ibinahagi ni Greggy Mercado ang kaniyang strawberry cheesecake doughnuts recipe. 

Narito ang mga sangkap: 

  • Bread flour
  • White sugar
  • Salt
  • 4 itlog
  • Butter
  • Yeast
  • Baking powder
  • Fresh milk 
  • Strawberries
  • Powdered sugar
  • Cream cheese

Paraan ng pagluluto: 

Ilagay ang flour. Isunod ang asukal, asin, baking powder, at yeast. Paghaluin. 

Ihalo ang gatas at itlog. 

Ilagay ang butter, hintaying mahalo ito sa dough. Gawin ang windowpane test bago ito alisin sa mixer o bago matapos sa paghahalo. 

Pahiran ng mantika ang pagmamasahang mesa. 

Kunin ang dough at bilugin. Hayaan ng 30 minuto para umalsa. 

I-deflate ang dough. Hiwain sa gustong laki ang donuts at bilugin. 

Lagyan din ng flour ang gagamiting tray. Alsahin dito ang binilugang dough. 

Magpainit ng mantika at iprito ang dough. Hanguin kapag golden brown na. 

Hiwain ang doughnut at lagyan ng cream cheese filling at mga strawberry. 

Budburan ng powdered sugar at ihain. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.