'Pantawid ng Pag-ibig': Mga mananahing apektado ng lockdown nabigyan ng ayuda

ABS-CBN News

Posted at May 13 2020 07:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ang kaunting tanim sa kanilang maliit na rooftop ang pinagkukuhanan ngayon ni Melody Bendoy ng pandagdag kakainin ng kaniyang 7 anak.

Mananahi ng basahan at tindera ng balot si Bendoy, na residente ng Taytay, Rizal. 

Pero dahil sa quarantine, natigil ang kaniyang paghahanapbuhay, maging ang pagtitinda ng pritong manok ng kaniyang mister.

"Sana wala na iyong COVID (coronavirus disease)," ani Bendoy sa panayam ng ABS-CBN News.

"Dagdag din po pahirap sa mga tao eh pati iyong may magagandang hanapbuhay, naapektuhan," aniya.

Naudlot naman ang higit sa P3,000 kikitain sana ng mananahing si Mary Anne Garbin.

Nakatambak lang kasi ngayon sa bahay ang kaniyang tinahing basahan at hindi mailako dahil sa enhanced community quarantine, na ipinatupad para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.

Malaking bagay sana ang kita para sa 4 na anak, lalo at hindi rin makapagtrabaho ang mister ni Garbin na construction worker.

Dumidiskarte na lang umano si Garbin bilang barangay volunteer.

"Ang problema po namin iyong kakainin namin, iyon po talaga," aniya.

"Napakasakit po kasi kahit panggatas, wala po kami maibigay," dagdag ni Garbin.

Pinagkakasya ngayon nina Bendoy at Garbin ang ayuda mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ibinibigay sa mahihirap na pamilya.

Sila at ang higit 2,000 4Ps beneficiaries mula Barangay Santa Ana, Taytay ang dinalhan ng Pantawid ng Pag-ibig ng tulong. Sa tulong na rin ito ng Bayanihan Musikahan at Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid (SNPP).

"Na-touch po ninyo ang kalooban ng amin pong kabarangay," ani Barangay Santa Ana chairperson Joselito Calderon.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.