P50 'ukay' challenge: Anong outfit ang mabubuo mo?

ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 06:22 PM | Updated as of May 13 2017 07:58 AM

Sa halagang P50, kaya bang makahanap ng isang buong outfit?

Ito ang hinarap ng challengers na sina Yuki Tansengco, isang fashion blogger; August, isang cameraman; Chris, assistant camera man, at ni Marie Lozano sa ‘Ukay Challenge’.

Kayang-kaya itong sagutin ng isang ukay-ukay sa Anonas, Cubao. Dito naghanap ang challengers ng mga damit para sa kanilang P50 outfit. 

Sagot na ng P20 na turquoise romper ni Marie ang kanyang summer outfit na puwede ring pang-semi-formal wear.

Work wear naman na nagkakahalaga ng P55 ang nabuo ni Yuki. Kapwa nagkakahalaga ng P20 ang isang pinstriped gray slacks na ipinares sa isang long-sleeved gray shirt. Para sa dagdag na pampabongga sa outfit, maaaring idagdag ang isang tote bag na P15. 

Para naman sa mga kalalakihan, parehong nakagawa ng casual outfit below P50 sina Chris at August. 

Ang kani-kanilang polo at vest, pati na rin ang mga nakuha nilang pants, P20 lang. Sobrang sulit naman ng P5 bag na nakuha ni Chris. 

-- Ulat ni Marie Lozano, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.