TINGNAN: Naggagandahang light pillars nasilayan sa Lamitan

ABS-CBN News

Posted at May 11 2021 03:52 PM

Courtesy: Abdulmajid Taha

Courtesy: Abdulmajid Taha

Courtesy: Abdulmajid Taha

Courtesy: Abdulmajid Taha

Nasilayan ng mga residente ng Lamitan, Basilan ang mga light pillar sa himpapawid, gabi ng Lunes.

Ayon sa kumuha ng larawan na si Abdulmajid Taha, bandang 7:20 ng gabi nang makita nila mula sa ng Barangay Sengal ang naggagandahang light pillars.

Pinaniniwalaan ng iba na ang mga light pillar ay naghahatid ng masamang pangitain, o di naman kaya ay naghahatid ng swerte. 

Pero ayon sa state weather bureau na PAGASA, ito ay isa lamang sa mga uri ng atmospheric phenomenon. 

Dati nang nabanggit ng PAGASA na nabubuo ang mga light pillar kapag nire-reflect ng mga maliliit na ice crystal ang ilaw na galing sa buwan. 

-- Ulat ni Leizel Lacastesantos

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.