PatrolPH

'Rehas Is Real': Preso nakapagsulat ng nobela sa piitan sa Naga

ABS-CBN News

Posted at May 11 2021 06:32 PM

'Rehas Is Real': Preso nakapagsulat ng nobela sa piitan sa Naga 1
Ayon kay Pat, high school pa lang daw siya nang mahilig sa pagsusulat. Retrato mula sa Naga City District Jail

NAGA CITY — Pagsulat ng tula at sanaysay. Ito ang kadalasang ginagawa ng 34-anyos na si alyas "Pat," isang bilanggo sa Naga City District Jail simula pa noong 2018.

Sa paraang ito, mas nailalabas umano ni Pat ang kanyang saloobin habang naghihintay sa pag-usad ng kanyang kaso.

High school pa lang daw siya nang mahilig sa pagsusulat.

Pero ang hindi niya akalain ay ang tuluyang makapagpapasulat sa kaniya ng libro ay ang pagkakakulong.

Setyembre noong nakaraang taon nang simulan niyang isulat ang nobela na may titulong "Rehas Is Real."

"Olie" ang ipinangalan niya sa pangunahing karakter ng nobela na natapos niyang isulat Pebrero ngayong taon o 5 buwan mula nang simulan niya ito. 

Nitong Martes ng umaga, pormal na inilunsad online ng Bureau of Jail Management and Penology ang librong isinulat ni Pat.

Ito daw ang unang pagkakataon na may preso na nakapagsulat ng libro habang nasa loob ng piitan.

Hiling ni Pat na masuportahan ang librong isinulat na mabibili sa online platforms ng BJMP at sa Naga City District Jail sa halagang P300.

—Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.