Bago pa magsimula ang Miss Universe Philippines 2023 preliminary competition, palakasan na ng hiyawan ang fans para sa kani-kanilang pambato.
Uminit agad ang stage sa pagrampa ng 38 kandidata suot ang two-piece floral swimsuit.
Kabilang sa mga standout ang kandidata mula Baguio, Bohol, Cebu province, Davao Oriental, Lapu-lapu, Makati, Marinduque, Parañaque, Pasig, Sorsogon at Zambales.
Mabilis lang ang kanilang transformation para sa evening gown competition kung saan nakita ang pambihirang talento ng Filipino designers sa iba't ibang istilo ng gowns na suot ng mga kandidata na super eleganteng rumampa sa entablado.
Ilan sa mga agaw-pansin sa rampa sina Miss Agusan del Norte, Aklan, Baguio, Bohol, Davao del norte, Cavite, Makati, Marinduque, Tiaong Quezon at Zambales. May drama ang berdeng gown ni Miss Eastern Samar; iba rin ang aura ni Miss Cebu province sa pag-ikot.
Special guest sa preliminary si 2022 Miss Universe Philippines Celeste Cortesi!
"So excited and I can’t wait to see who the next queen will be," ani Cortesi.
Mula sa 38 candidates, 18 ang papasok sa semifinals base sa scores sa closed-door interview, swimsuit, evening gown competition at mga special challenges. Pero, isa lang ang kokoronahang Miss Universe Philippines.
"So proud of them. I can see the transformation from the screening 'til today. I really feel the organization is proud of their growth. Eto na 'yung graduation," ani MUPH national director Shamcey Supsup-Lee
Ayon kay Shamcey, maraming strong candidates sa batch na ito pero espesyal na katangian ang hinahanap nila sa susunod na winner.
"The new owner of Miss Universe, Khun Ann, gave us advice on who the Miss Universe Organization is looking for. It’s not about physical beauty; it’s important to look for a person that has a purpose to make an impact to society," dagdag pa niya.
Samantala, dumating na ngayong hapon ang reigning Miss Universe na si R'Bonney Gabriel
Masayang masaya ang Fil-Am beauty queen dahil kasabay sa mga sumalubong sa kanya ang kanyang mga magulang.
Sa gitna ng siksik na schedule, may kaunti umano siyang oras para sa pamilya ngayong nakabisita sa Pilipinas.
"We'll be very busy but the big event is the Miss Universe Philippines pageant that I'm looking forward to," ani Gabriel.
Gaganapin ang coronation night ng Miss Universe Philippines sa MOA Arena sa Sabado ng gabi.
Mapapanood sa livestream ng iWantTFC, YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at via TFC.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Miss Universe Philippines 2023, Miss Universe PH, MUPH, preliminary competition, Tagalog news