TINGNAN: Alay na beach sand art sa Iloilo City para sa Mother's Day

ABS-CBN News

Posted at May 10 2021 03:23 PM

Larawan mula kay Edwin Guiquin

Alay ng isang grupo ang isang beach sand art para sa mga ina sa Arevalo, Iloilo City nitong Mother's Day.

Sa likhang sining ng grupong Iloilo Beach Art, makikita ang mahigpit na yakap ng isang ina sa sanggol nito, at nagpapakita ng arugang ibinibigay ng mga ginugunita para sa kanilang mga anak.

Makikita rin sa larawan ang ilang mga taong namangha at pinagmamasdan ang artwork. 

Ayon sa grupo, paraan nila ang art para gunitain ang araw ng mga ina. 

Anila, paraan nila ito para ipaabot ang kanilang paghanga at pasasalamat sa lahat ng ina para sa nasabing araw.

Isa itong pagpupugay sa mga ilaw ng tahanan na karapat-dapat sa ating pagmamahal at pasasalamat, dagdag pa ng grupo. 

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more in iWantTFC

—Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.