PatrolPH

TINGNAN: 2 anyos na bata nakarating sa tuktok ng Mt. Apo

ABS-CBN News

Posted at May 10 2021 09:09 PM

TINGNAN: 2 anyos na bata nakarating sa tuktok ng Mt. Apo 1
Larawan mula kay Tricia Alesna

MAYNILA — Matagumpay na naakyat ng 2 anyos na si Bella Psalm Alesna ang Mount Apo sa Mindanao noong Mayo 2.

Proud parents sina Tricia at Jhong Alesna matapos mapagtagumpayan ng kanilang anak na si Bella Psalm ang pagsama sa kanilang pag-akyat sa pinakamataas na bundok sa bansa.

Kwento nila, nagsimula silang umakyat via Bansalan, Davao del Sur trail noong Mayo 1, na tumagal ng 8 oras. Ipinagpatuloy nila ang ito kinabukasan, na umabot ng 5 oras bago makarating sa peak.

Ayon kay Tricia, tila namana ni Bella ang pagka-adventurous nilang mag-asawa.

"May potensyal talaga siyang maging isang climber kasi kinakaya niya at gusto rin niya. Hilig din naming mag-asawa ang mountain climbing," ani Tricia.

Bago nito, narating na rin ni Bella ang tuktok ng Mount Loay sa Sta. Cruz, Davao del Sur.

Kwento ng ina, may panahong karga nila si Bella lalo na sa mahirap na bahagi ng trail.

Napayagan naman si Bella na umakyat sa Mount Apo ngayong pandemya sa kabila ng edad nito dahil ayon kay Tricia, hindi naman umano punuan ang campsite at pinatutupad ang physical distancing.

—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.