Miss Universe fever umarangkada na sa Florida

ABS-CBN News

Posted at May 10 2021 10:05 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Ramdam na ramdam na ang aksiyon sa 69th Miss Universe pageant sa Florida, USA.

Ang mga beauties, busy na sa pag-fit ng mga outfits, registration, at maraming photo shoots. 

Pumili ang mga kandidata ng makukulay na Sherri Hill na damit para sa kanilang opening number shoot.

Si Rabiya Mateo, kulay asul ang pinili at nag-shoot sa may swimming pool ng hotel.

Napili rin si Mateo para sa official makeup sponsor shoot kasama sina Miss South Africa, Miss Iceland, Miss Puerto Rico, at Miss Uruguay.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog si Mateo sa swimming pool sa gitna ng shoot kung saan muntik pa umanong mawala ang kaniyang diamonds.

Pinakilala na rin ni Mateo ang kanyang roommate na si Miss Japan.

Sa susunod na linggo na ang coronation ng pageant na mapapanood nang live sa A2Z. 

—Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.