Mga inabutan ng tulong sa 'Pantawid ng Pag-ibig' lubos ang pasasalamat sa kampanya

ABS-CBN News

Posted at May 09 2020 08:50 PM

Kasama ang 500 construction workers na na-stranded sa Parañaque sa inabutan ng tulong ng "Pantawid ng Pag-ibig" ng ABS-CBN. ABS-CBN News

MAYNILA--Sa construction site sa University of the Philippines sa Diliman inabutan ng lockdown ang trabahador na si Marjo Carnasa, kasama ang kaniyang asawa at mag-6 buwan na kambal na anak.

Patong-patong na ang alalahanin ni Carnasa: ang kakainin nila at ang takot na magkasakit ang mga anak.

Watch more in iWant or TFC.tv

“Nakakatakot po talaga yung Corona eh. Kulang lang po talaga sa araw-araw. Iniisip ko po yung gatas po at pang-diaper, kasi kulang po talaga ang budget,” ani Carnasa.

Laking pasasalamat ni Carnasa sa pagmamagandang-loob ng security guard na si Rene Flores, na kahit kapos pa rin dahil sa lockdown ay nakapag-abot pa rin ng tulong sa kanila.

“May kaunting pera ako na natabi, binigyan ko sila pangkain, panggatas,” ani Flores.

Kasama si Carnasa sa mahigit 300 iba pang construction workers na na-stranded sa UP na nahatiran ng tulong ng All-UP Workers Union, Organisasyon ng Sandigan ng mga manggagawa sa Quezon City, at “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN.

“Malaking tulong sa amin to, kahit kami makatrabaho, at least may kakainin kami,” ani Joffee Saldivar, isang construction worker.

Kasama rin sa mga inabutan ng tulong ang mahigit 500 stranded na construction worker sa pinagtatrabahuan nila sa Paranaque.

“Sa hirap ngayon, kailangan talaga namin ang suporta nyo, maraming salamat po,” ani Serbin Hadjaiel, construction worker.

Dinalhan din ng tulong ang ilang pari at mga madre sa Monasterio Real de Santa Clara sa Quezon City.

Marami ang naantig sa kalagayan ng pamilya ng jeepney driver na si Julius Evangelista, matapos silang paalisin sa inuupahang bahay dahil hindi makabayad ng renta.

Sa pinapasadang jeep na sila tumira habang naka-lockdown.

At dahil menor de edad ang mga anak, pinakupkop muna ng Department of Social Welfare and Development ang mga bata sa kaanak nina Evangelista.

Dumagsa ang tulong sa kanilang pamilya matapos matampok ng ABS-CBN News ang kondisyon nina Evangelista.

“Yung bahay na makakuha kami ng rerentahan, may tumulong sa amin konti. Gusto ko po ipakuha ko agad yung anak ko. Gusto ko pong mabuo ang pamilya ko eh,” ani Evangelista.

Umagapay din ang “Pantawid ng Pag-ibig” sa kanila.

“Sensya na po kayo naiiyak ako sa sobrang saya ko, kahit paano may pang-umpisa na ako sa pamilya ko,” ani Evangelista.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

— Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.