PatrolPH

'Bonding ng magulang, anak di kailangang magarbo'

ABS-CBN News

Posted at May 09 2019 01:10 PM

Watch more on iWantTFC

Hindi kinakailangang magarbo ang pamamaraan ng pakikipag-bonding ng magulang sa anak. 

Iyan ang pahayag ni Tina Zamora, isang family and child specialist sa programang "Sakto" ng DZMM. 

Ayon kay Zamora, mas tumatatak sa isipan ng bata ang mga alaalang napupulot nila tuwing nakikisalamuha sa mga mahal sa buhay.

"Ang memory kasi ng bata in their brain it's very relationship-based. 'Di ba pag nakikita mo 'yung pictures niyo noong bata hindi mo naaalala 'yung lugar, [ang tumatatak] 'yung pakikipag-usap mo kasama 'yung magulang mo, ano 'yung ginawa mo kasama 'yung kapatid mo," ani Zamora. 

Para mas tumatak aniya ang bakasyon sa isipan ng bata, dapat isama sa pagpaplano ang anak - gaya ng pamimili ng itinerary. 

"Yung plano niyong trip at nagsa-save kayo ng pera together, 'yun 'yung naaalala nila puwera pa doon sa trip mismo," ani Zamora. 

Bukod sa bakasyon, maaari ring gawing bonding ang mga simpleng aktibidad gaya ng paglilista ng iboboto sa halalan o kaya pagkain nang sabay-sabay tuwing hapunan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.