Mga regalong pampabuenas kay Inay

ABS-CBN News

Posted at May 09 2017 04:19 PM

Ngayong paparating na Mother's day, alamin kung ano ang pampasuwerteng regalo para kay Nanay!

1. Wu Lou Gourd

Para mapabuti ang kalusugan, mainam na regaluhan si nanay ng Wu lou, o tinatawag na 'cure charms' sa Feng Shui.

Ayon kay Master Hanz Cua, magandang ilagay sa bedside table o sa northwest sector ng kuwarto dahil ngayong 2017, bilang pangontra sa illness o sickness star na naroon.

2. Himalayan Salt Lamp

Bukod sa Wu lou, maaari rin umanong ipanregalo ang Himalayan salt lamp na kailangang ilagay sa bedside table. Mapabubuti umano nito ang kalusugan ni nanay. 

3. Picture frame na may masayang retrato ng pamilya

Para lumapit ang suwerte at mabuting kapalaran, maglagay ng picture frame katabi ng Himalayan Salt Lamp, o kahit anong maliwanag ilaw, sa southwest sector ng bahay.

4. Paglilinis ng kusina

Kailangan ding malinis, maayos at maliwanag ang kusina dahil nagsisimbolo ito ng maayos na pangangatawan, suwerte at kapalaran ng mga nanay sa bahay.

Importante umanong sektor ng tahanan ni nanay ang southwest kaya mas mabuti kung nandoon ang kusina na itinututuring na lugar ni nanay.

Nasa southwest na bahagi ng bahay ang swerte ni nanay, ayon kay Master Hanz Cua.


Paalala pa ni Master Hanz, sa taon ng fire rooster, malapit umano ang mga nanay sa theft, robbery, cheating at betrayal kaya kailangang magdoble ingat lalo na sa mga manloloko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.